Posts

From Brods to Kosa

14 years and 9 months..... “Ang totoong Gago ay hindi yun mga napunta sa piitan dahil sa pangho-holdup, pagbebenta ng drugs at nakagawa ng mga Krimen ng dahil sa kahirapan kundi ang may mga maayos na pamilya, nakapag-aral, at hindi iniisip kung san kukunin ang kakanin sa pang-araw araw.“ Masarap ang buhay estudyante lalo na buhay kolehiyo. Pumapasok para palawigin ang kaalaman at kamalayan. Dahil sa isang pagkakamali, nawalang parang bula. Hangang ngayon, iniinda ko pa din ang pagiisip na sana hindi na lang nangyari yun at 10 taon na maraming pwedeng maganap. Matagal ko ng pinagsisihan yun pangyayari at habambuhay ko yan pagbabayaran, nakalabas lang ako ng hawla, pero nakatali pa din sa nakaraan. Ang masakit nito, kasama sa pagbabayad ko ang kinabukasan ng pamilya ko. Sa 10 taon na nawala sakin, yun panganay kong anak ang na-sakripisyo ko, lumaki sya na wala ako sa tabi nya. Walang araw na hindi ko yan iniinda, kaya nun biniyayaan ulit ako ng mga anak, ayokong ipadama sa kanila yun kaw

Life of Tonyo

After 5 years, walang bago, hicajos pa din ako. Naiinip na ko sa paulit ulit na proseso. Pabalik balik pa din ako sa umpisa parang hindi ako umuusad. Nakakapagod na pero hindi pa ko pwedeng sumuko. Madalas naiisip ko, andami ko palang palpak na plano, ang daming sinayang na oras, araw at buwan na 5 taon na pala.  Napapadalas ang pagiisip ko nitong mga nakaraang mga araw, puro mga what if’s at takot sa susunod na mga araw, buwan at taon. Wala akong mapagsabihan ng mga anxieties at mga confusions ko. Madami akong gustong gawin at tuparin pa, para ma-secure yun future ko at pamilya ko.  Ang problema kasi sakin, ang hirap kong magtiwala, hindi ako at ease na may pinagsasabihan ng mga problema ko, kahit kay Maan na dati kong kakampi. Ang hirap sakin na magsabi sa Pamilya ko at mga Brods ko. Katwiran ko kasi, wala naman silang mai-aambag na solusyon, madalas sermon pa.  Ano na ba na-achieve ko sa 5 taon ko? Naka-Graduate ng Vocational Course at College Degree, baon sa utang (smart, globe, su